1 patay, 1 sugatan sa vehicular accident sa Ilocos Norte

0
193

LAOAG CITY — Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang live-in partner nito sa naganap na banggaan ng motorsiklo at Isuzu forward sa Pasuquin, Ilocos Norte nu’ng Biyernes (Nov.2).

Kinilala ni PCI Roldan Suitos, Chief of Police ng Pasuquin-PNP, ang nasawi na si Moncris Stipuler, 31-anyos, ng Pandacan, Manila habang ang sugatan na live-in partner nito ay nakilala naman sa pangalang Rechelle Correa, 32-anyos, ng Baclaran, Parañaque. Nabatid na ang dalawa ay mga turista sa naturang lugar.

Base sa report, ang dalawa ay namataan nakasakay sa isang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Davila ng naturang bayan nang biglang may tumawid na aso sa kanilang daraanan.

Tinangka umanong iwasan ni Stipuler ang aso na naging sanhi para ma-lost control siya sa manibela hanggang sa mapunta sa kabilang lane ang kanilang sasakyan at makipagbanggaan sa paparating na Isuzu forward na minamaneho ni Rodel Austria, 28-anyos, may asawa, ng Banna, Ilocos Norte.

Agad na binawian ng buhay si Stipuler matapos na sumadsad siya sa ilalim ng truck at magtamo ng sobrang dami at grabeng sugat sa katawan habang si Correa ay dinala naman sa pinakamalapit na hospital. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here