1-taong gulang na bata sa Bataan, patay nang makalunok ng marshmallow

0
89

BULACAN — Patay ang isang 1-taong gulang na batang babae makaraang mabulunan umano ng kinaing marshmallow sa Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan kamakailan.

Ayon sa lola ng bata na kinilalang si Merlinda Austria, sumaglit lang ang nanay ng apo para kumuha ng tubig nang mangyari ang aksidente.  

Base sa ulat, natagpuan na lang ang sanggol na nangingisay at hindi na makahinga dahil sa nakapulot ang bata ng marshmallow na isinubo niya nang buo.

“Pinapakain ng nanay ‘yun, eh bantay-bantay naman niya, kaya lang pagkuha niya ng tubig, ayun na nga ho, siguro, nakapulot ng malaking marshmallow, kasi ho ginugupit gupit niya yun,” winika Austria.

Isinugod pa ng ospital ang sanggol ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

“Hindi nila kasalanan, wala namang may gusto na mamatay yung apo ko, sino bang may gusto,” saad ni Austria.

Samantala, nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya ng Mariveles ukol sa insidente.

Sabi ng mga kapulisan, posibleng makasuhan ang pamilya ng reckless imprudence resulting in homicide in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here