10 drug suspects at 5 wanted, ‘laglag’ sa Bulacan police

0
344

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang 10 drug suspects at 5 wanted persons sa magkakahiwalay na anti-illegal drug drive at manhunt operations na inilatag ng Bulacan police nitong Miyerkules (June 3) at Huwebes ng umaga (June 4).

Ayon sa ulat ni Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director, nadakip ang 10 drug suspects kabilang ang 2 menor de edad sa serye ng drug bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives ng San Miguel, Bocaue, Marilao, Guiguinto at City of San Jose del Monte.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Ann Caragduata, Fermin Tose Jr., Nelson Ibañez Gevero Jr., Arnold Odoño Naa, Khalman Llamosa, Adonis Somera, Jeffrey Castro, Christoper Mendoza, at ang dalawang menor de edad na 16 at 17 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang 20 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng shabu at buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at ang mga nasamsam na piraso ng ebidensiya ay dinala sa Bulacan Crime Laboratory for examination. Nakatakda namang kasuhan ang mga suspek ngpaglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, ang mga wanted person ay naaresto sa mga bayan ng San Miguel, Norzagaray at Marilao.

Kinilala ang mga fugitive na sina Rosabell Joson, na nadakip sa Brgy. Pulong Bayabas, San Miguel at may kasong Violation of BP 22 (Bouncing check); Ricky Berja, nahuli sa Phase-3, Barangay FVR, Norzagaray, na nahaharap sa kasong Violation of Section 5 and 11 of R.A. 9165 (Illegal Drugs); Roberto Dela Rosa alias Bobby Abalos; Ivan Dela Rosa Abalos; at Geogie Dela Rosa Abalos ay nadakip Brgy. Poblacion II, Marilao at nahaharap sa kasong Direct Assault.

Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa istasyon ng pulis kung saang lugar sila nahuli para sa wastong disposisyon. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here