Home National News 10 taon na nagtago sa batas, arestado ng Bulacan CIDG

10 taon na nagtago sa batas, arestado ng Bulacan CIDG

160
0
SHARE
ID:126641795

ARESTADO ng mga tauhan ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group at CIDG Region1 ang isang lalaki na halos sampung taon na pinagtaguan ang batas dahil sa kasong Murder.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas JudgeTeodoro C. Fernandez ng Lingayen, Pangasinan Regional Trial Court Branch 38 nasakote ng mga operatiba ang murder suspect.

Kinilala ni Bulacan CIDG Provincial Officer P/Chief Inspector Joseph Nandu, ang nadakip na suspek na si Rodelio Unay, 56-anyos, tubong Katarataraan, bayan ng Mangatarem, Pangasinan.

Ganap na alas-5 ng hapon ng madakip ang suspek sa Sitio Tibagan, Brgy. Sta Rosa II, Marilao Bulacan.

Si Unay ang itinuturong bumaril at nakapatay sa kanyang sariling lolo noong Disyembre 2006 gamit ang hindi lisensyadong kalibre .45.

Positibong inamin ni Tatay Rodelio sa RONDA Balita Online News  na siya ang bumaril sa kanyang lolo.

At wala umano siyang pagsisi sa kanyang ginawang pamamaril dahil sa kasalanan ni Lolo Hermorenes Unay kaya niya ito napatay.

Napatay niya ito dahil sa pinakialaman umano ang kanyang asawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here