Home National News 100,000 passport appointment slots ng DFA, ubos agad

100,000 passport appointment slots ng DFA, ubos agad

256
0
SHARE

MABILIS na naubos ang mahigit 100,000 passport appointment slots ng
Department of Foreign Affairs o DFA na binuksan nito lamang Martes, ika-23 ng Enero.
Ito ang mga inireklamo ng mga online applicants na bumisita sa website ng DFA para sa passport appointment slots.

Kasunod ito sa abisong inilabas ng tanggapan ng DFA sa publiko nitong nakalipas na Martes na inanunsyong nagbukas ito ng may 118,000 online appointment slots.
Isa sa mga naturang online applicants ay si May Jean “MJ” Antonio na nagsabing pinalad itong makakuha ng passport appointment para sa mister nito at kanilang anak pero hindi aniya madali bago ito nakakuha ng slot.

Aniya, napaka-bagal, bigla na lamang nabubura ang lahat ng impormasyon kapag in-enter niya ito sa website ng DFA at nagba-blangko pa umano ito.

Agad na naubos ang mga passport appointment slots ng DFA may isang oras at kalahati pa lamang matapos na ipalabas nito ang nabanggit na anunsyo nito para rito.
Inanunsyo ng DFA sa publiko na gustong magtakda ng appointment na maging matiyaga sa pag-check sa kanilang website para sa mga bukas na slots.

Nagbukas pa ng mga slot nitong nakaraang Miyerkules ng umaga sa DFA Aseana para sa Mayo at Hunyo subalit biglang lumabas ang error message sa website.

Ikinatwiran naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Frank Cimafranca na bunsod ito ng bigat ng pangangailangan at muling nanawagan ito sa mga aplikante na huwag maniwala sa alok ng mga nagbebenta ng passport appointment. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here