Home National News 11 OFW na ‘naburyong’ sa Jeddah, pinaiimbestigahan!

11 OFW na ‘naburyong’ sa Jeddah, pinaiimbestigahan!

230
0
SHARE

INATASAN na ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III si Consul Rodney Jonas Sumague, konsulado ng Pilipinas sa Jeddah na imbestigahan ang napaulat na 11 Overseas Filipino Workers ang nawala sa katinuan sa pag-iisip sa naturang bansa.

Ayon sa kalihim, bagama’t nabigyan na ng paunang lunas ang mga OFW na nasa pangangalaga ng konsulado dapat umanong malaman ang tunay na dahilan.

Nabatid na una nang sinabi ni Sumague na ib’at-iba ang kuwento ng mga OFW.

Ilan pa aniya sa kanilang mga employer ang nakipag-ugnayan sa konsulado ukol sa kalagayan sa pag iisip ng mga Pinoy workers.

Ayon naman sa Polo-OWWA o o Philippine Overseas Labor Office – Overseas Workers Welfare Administration, karamihan sa mga nawala sa katinuam ay mga baguhan na wala pang isang taon sa trabaho.

Gayunman, iginiit ng opisyal na kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa masusing obserbasyon ng mga eksperto para matukoy ang tunay na sanhi ng kanilang naging kalagayan doon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here