Home National News 1,162 preso sa MCJ pinalaya ng Korte Suprema 

1,162 preso sa MCJ pinalaya ng Korte Suprema 

192
0
SHARE

MAHIGIT sa isang libong bilanggo ngayon ang masayang makakapiling na nila ang mga mahal nila sa buhay makaraang palayain ang mga ito ng Korte Suprema kamakalawa ng umaga.

Ngayong nalalapit na kapaskuhan ay sabik at mangiyak iyak pa ang mga inmates mula sa Manila City Jail na makita ang kani-kanilang mga pamilya na matagal rin na nagdusa sa kulungan.

Nasa kabuuang 1,162 na mga  preso ang nakalaya na  ito’y bahagi na rin ng programa ng Supreme Court  upang mabawasan ang mga kaso sa korte gayundin para maiwasan ang pagsisikip ng mga kulungan sa bansa sanhi ng mga nakakulong sa bawat piitan sa bansa.

Sa naging pahayag ni Court Administrator (CA) Jose Midas Marquez, na ang naturang proyekto ay ginanap sa 14 na mga venues na isinabay na rin sa ginawang anibersaryo ng Office of Court Administrator kamakalawa.

Nabatid na ang halos nakalaya na ay mula sa Metro Manila kabilang na rito ang 311 sa Quezon City Jail, nasa 223 naman mula sa lungsod ng Maynila habang nasa 31 sa Makati Jail, Kasama rin ang 129 sa Luzon, 54 sa Visayas at 70 sa Davao.

Dagdag pa ni Marquez, dumami at sumikip aniya ang mga kulungan sa bawat piitan sa metro manila jail ito ay dahil na rin sa pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here