Home National News 12-anyos ginahasa ng pinsan sa Pasig City

12-anyos ginahasa ng pinsan sa Pasig City

16
0
SHARE
Ang suspek na si Ray Ian Alcantara habang iniimbestigahan sa Pasig City Police Station.

PASIG CITY — Himas rehas ngayon ang isang estudyante matapos arestuhin ng mga operatiba ng Eastern Police District-Detachment Mobile Force Batallion Intelligence Operatives (EPD-DIMFB) makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kanyang pinsan na menor de edad nung Lunes ng umaga sa loob ng Pasig City Institute Science and Technology sa Brgy. Bambang.

Sa ulat na ipinadala kay Police Senior Supt. Cresensiano A. Landicho, Force Commander DMFB, nakilala ang suspek na si Ray Ian Alcantara, 22-anyos, vocational student, residente ng No. 338 San Agustin Ave. corner Baltazar Street, Brgy. Palatiw sa nabanggit na lungsod samantalang itinago naman ang pagkakilanlan ng biktima sa alyas “Jingle” na isang 12- anyos.

Ayon sa report ng pulisya dinakip ang suspek na si Alcantara sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Florian Gregory D. Ablajon ng RTC, Branch 261, ng Pasig City para sa kaso ng 8 counts of Rape sa kanyang pinsan na nagresulta ng pagdadalantao ng biktima at nagsilang ng patay na sanggol nu’ng Agosto 2018.

Pansamantalang nakadetine ang suspek sa Pasig City Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa Sec.5 (a) ng RA 8369 at walang inirekomendang piyansa. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article3 Bulacan towns registers zero tokhang surrenderees in 3 months
Next articleBarangay kagawad sa Malabon, todas
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here