12 nasakote sa buy bust; drug den sa Pasay City nadiskubre

0
321

PASAY CITY — Nasakote ang isang babaeng tulak ng ilegal na droga habang 11 katao ang naaktuhan na gumagamit ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa isang drug den sa #159 Estrella St., Brgy.14 sa nasabing lungsod.

Nakilala ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga na si Jackielyn Reyes, 40-anyos habang kinilala naman ang mga nahuling gumagamit ng shabu sina Van De Leon, 49; Joselito Elvina, 58; Miguel Acedello, 56; Darwen Castalone, 42; Maricris Alipio, 27; Michael Mendoza, 51; Delfin Mandeja Alias Waway, 29; Sonia Cordal, 41; Rose Mary Arevalo Alias Rose, 46; Marilou Malay 46; at Rowena Rodelia Alias Weng, 50.

Base sa ipinadalang report ni Southern Police District (SPD) Director Police Chief Supt. Tomas Apolinario kay NCRPO Police Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, bandang alas-2:30 ng madaling araw nu’ng Martes ng nakabili umano ng halagang P1,000 shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer subalit nakaramdam ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya mabilis na kumaripas ng takbo sa loob ng kanyang bahay at duon na naabutan ng mga miyembro ng SDET ang 11 katao na gumagamit ng ilegal na droga.

Narekober sa loob ng bahay ng suspek ang 52 piraso ng small plastic sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P1,000.000 at isang cal. 9 mm na baril na Armscor.

Kasong paglabag sa Violation of Sec 5,7, 11,13,at 14 ng RA 9165 at RA 10591. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here