13-anyos na dalagita, hinalay ng sariling ama sa Santa Maria

0
4544

SANTA MARIA, Bulacan — Pinagsamantalahan ng mismong ama ang isang 13-anyos na dalagita sa Sitio Linawan, Brgy. Bulac sa nasabing bayan nitong Huwebes ng gabi (May 28).

Base sa ulat kay Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director, kinilala ang naarestong ama ng dalagita na si Bernardo Balansay y Gaviola, 37-anyos, scavenger at residente ng San Rafael, San Jose Del Monte City, habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Bebe.

Ayon sa ulat ganap na bandang alas-12:30 ng hapon na nasabing araw nang magpunta ang mag-ama sa isang junk shop para magbenta ng kalakal.

Hindi nagtungo ang mag-ama sa nasabing junk shop at sa halip ay sumakay ang ama kasama ang anak sa isang motorsiklo na may sidecar (Kolong-kolong) at nagtungo sa isang madamong lugar sa Sitio Lanawan, Brgy. Bulac, Santa Maria.

Dito na sapilitang gahasain ng ama ang sariling anak at makaraan at takutin ito na sasaktan ang ina kung may makakalam ng nangyari.

Ngunit pagkauwi ng mag-ama ay agad na sinumbong ng dalagita ang ama sa kanyang ina na mabilis namang humingi ng tulong sa mga barangay tanod ng Brgy. San Rafael, SJDM at nagresulta na pagkakadakip sa suspek na mabilis namang nai-turn-over sa Santa Maria Municipal Police Station.

Nakatakdang sampahan ang suspek na kasong Incestuous Rape in relation to RA 7610 na kasalukuyang nakadetine sa Santa Maria lock-up cell. (RONDA BALITA Online)

Previous articleBulakenyos mourn death of Bocaue town mayor
Next articleQuarantine facility para sa mga Bulakenyong OFWs, bukas na
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here