14 banyaga nasagip sa sex den sa Mabalacat, Pampanga

0
399

MABALACAT CITY, Pampanga — Nasagip ng Regional Anti-Trafficking Task Force ang walong babaeng Chinese at anim na babaeng Vietnamese mula sa isang sex den sa Aguinaldo St. CDC, sa nabanggit na lungsod habang naaresto ang dalawang bugaw na Vietnamese.

Kinilala ang mga banyaga na Chinese at Vietnamese nationals na sina Le Nauyen Chinese National, 29-year-old, single mother; Lu Yun Li, 25, single, Chinese National; Wang Lili 20, single; Lan Yan Fei, 30, single; Zhang Xiao Yu, 27; Yang YU Mie, single, 40; Li Xiu Hua, single, 43; Gao Jun Li, 30, single; Li Ji Chun, single, 34, pawang mga Chinese Nationals at ang mga Vietnamese national na sina Tran Thi Ghucit, Single, 31; Nguyen Auyuh Duli, married; Nguyen Thi Tuoi,31, married; Nguyen Thi Teial, single; at Nge Ihudug Thao, single, 24.

Habang ang mga suspek ay kinilala namang sina Le Chang Pai at Le chang Liang, pawang mga Vietnamese national.

Ayon sa ulat, hindi tumatanggap ng Pinoy na kliyente ang mga operator nito kundi mga kapwa banyaga lamang.

Ayon kay Police Master Sargeant Benedict Butangen, tumawag sa kanilang tanggapan ang kanilang impormante kaya’t agad silang nagsagawa ng surveillance sa lugar.

Hanggang sa magposibo ang sumbong at ikinasa ang kanilang operasyon at naligtas ang mga biktima mula sa kamay ng dalawang suspek.

Ang nakalap na video ay ibibigay ng mga otoridad sa Bureau of Immigration at ipapaberipika din ang dokumento ng mga banyagang biktima at mga suspek.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng kapulisan ang mga biktima at iti-turn over sa DSWD habang sinampahan na ang dalawang suspek ng kasong paglabag sa Anti-trafficking.

Ang dalawang suspek ay nakadetine ngayon sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here