Home National News 4 patay sa karambola ng 4 sasakyan sa Batangas

4 patay sa karambola ng 4 sasakyan sa Batangas

394
0
SHARE
Ang trailer truck na umararo sa tricycle, pampasaherong bus at kotse bandang alas-5:30 ng umaga sa Maharlika Highway, Barangay San Jose sa Sto. Tomas, Batangas kung saan 4 ang namatay habang 6 ang sugatan. (Photo courtesy of PRO4A-RPIO)

STO. TOMAS, Batangas — Apat ang kumpirmadong patay habang anim naman ang nasa kritikal na kondisyon ng magkarambola sa daan ang apat na sasakyan sa Barangay San Jose, sa nasabing bayan bandang alas-5:30 ng Lunes ng umaga (Oct. 29.

Nakilala ang mga namatay na sina Rensie Bautista, 33-anyos, Senior Engineer; Remedios Bautista, 33, Bank Asst. Manager, Zyryn Athena Bautista pawang mga sakay ng Toyota Vios na may plaka na WB 0456 at ang driver ng Tricycle na Honda TMX na hindi naplakahan na si Calexto Racasa, 64.

Kinilala naman ang 6 na nasugatan na lulan ngBicol Isarog Bus na sina Florentino Densing, 51-anyos; driver at mga pasaherong sina Lutha Huarde, 35; Vilma Azotea, 57; Jonas San Juan, 37; Aldrin Racasa, 22 at Aaron Racasa, 13.

Ayon sa ulat ng mga imbestigador na sina SPO2 Joel M. Banta at Spo3 Jose Roy F. Malapascua, isang tawag sa telepono ang natanggap ng Sto. Tomas PNP galing sa isang concerned citizen at inireport ang naganap na aksidente na kinasangkutan ng apat na sasakyan.

Agad nirespondehan ng mga otoridad ang pinangyarihan ng insidente at duon nalaman na unang bumangga ang trailer truck na may plaka na ZRL-697 na minamaneho ni Ruel Jarabese, ng mawalan ito ng kontrol sa manibela sa nabanggit na Tricycle ni Racasa at pangalawang inararo ang pa,pasaherong bus na nasa kontrol ni Densing at pang huli ay ang Toyota Vios na lulan ang ang pamilya Bautista, na mga nasa bahagi ng north bound.

Patay agad ang driver ng kotse at ng tricycle habang binawian ng buhay ang dalawang iba pa sa pagamutan at kasalukuyang ginagamot ang anim na sakay ng pampasaherong bus sa isang ospital.

Mahaharap sa kasong Reckles Imprudence Resulting to Homecide and Multiple Injuries at Damage to Properties ang driver ng trailer truck na si Jarabese na pansamantalang nakakulong ngayon sa Sto. Tomas Custodial Facilities. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here