158 na pasyente nakarekober sa COVID-19 sa Bulacan

0
372

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Naitala ang may pinakamaraming bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa nasabing lalawigan matapos madagdagan ito ng 158 nitong Miyerkoles (Aug. 19).

Ito ang pinakamataas na bilang ng naitalang recovery sa loob ng isang araw mula nang may nagpositibo sa naturang sakit sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat ng Bulacan Provincial Health Office (PHO), 158 ang bagong gumaling sa sakit kaya nasa 1,057  na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa coronavirus halos 84 o 0.92% na pagkakaiba lamang sa 1,141 kabuuang aktibong kaso sa lalawigan.

Samantala, pumalo naman sa 2,262 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil nakapagtala ng bagong 29 kaso nitong Miyerkules ng hapon (Aug. 19).

Nanatili naman sa bilang ng 64 ang mga nasawi sa nakamamatay na sakit.

Mula sa nasabing bilang ng mga nakarekober sa coronavirus,86 kaso ang nagmula sa Lungsod ng San Jose del Monte, 27 ang nakarekober sa Obando, 7 sa Baliwag, Meycauayan at Plaridel naman ay may 5 kaso, Paombong, San Ildefonso at Sta. Maria may mga 4 na kaso, habang tig-dadalawang kaso sa Pandi at Angat, at tig-iisa naman na kaso sa Guiguinto, Hagonoy, Malolos, Norzagaray, at Pulilan. (RONDA BALITA Online)

Previous articleBulacan Molecular Diagnostic Laboratory is now licensed and operational
Next articleMalolos City Mayor Gatchalian cites COVID-19 response efforts
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here