16-anyos na estudyante sa Pulilan, huli sa baon na marijuana

0
128

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Arestado ang isang 16-anyos na estudyante sa loob ng eskwelahan habang may bitbit itong pinatuyong dahon ng Marijuana sa bayan ng Pulilan nu’ng Miyerkules (Feb. 12).

Base sa ulat na ipinadala sa Camp Alejo Santos ng Pulilan police, nagsagawa umano ang isang teacher ng surprise inspection sa kanyang mga estudyante sa isang eskwelahan na hindi pinangalanan sa nasabing bayan bandang alas-3:40 ng hapon bilang parte ng school policy.

Nadiskubre ng nasabing guro ang 21 piraso ng folded paper na naglalaman ng pinatyong dahon ng marijuana na nakalagay naman sa isang metal container sa loob ng body bag na nasabing estudyante.

Agad namang ipinaalam ng school principal sa mga otoridad ang nadiskubreng iligal na droga.

Pansamantalang nasa kustodiya ng WCPD Section ng Pulilan Municipal Police Station at MSWD ang sangkot na estudyante para sa imbestigasyon. (RONDA BALITA Online)

Previous articleTrump ‘fine’ with end of Philippines military pact
Next articleMabuhay ang ‘Bayanihan’ sa Pilipinas!
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here