17-anyos kakasuhan ng abduction at rape

0
43

VALENZUELA CITY — Nahaharap sa kasong consented abduction at 2 counts of rape ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na ireklamo ng rape sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Ang naarestong suspek ay itinago sa pangalang Ernest ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) habang ang biktima naman ay si “Saylie” 13 -anyos di tunay na pangalan.

Ayon sa imbestigasyon, nakipagkita ang biktima nitong nakaraan Lunes sa suspek sa Valenzuela People’s Park at kalaunan ay inimbitahan ito sa bahay ng suspek at nakumbinsi na matulog kasama siya kung saan nagkaroon ng pagtatalik sa pagitan ng mga ito.

Nang makauwi ang biktima, sinita ito ng kanyang mga magulang hanggang sa aminin nito na nakipagtalik siya sa suspek matapos na makipag inuman ito.

Lumabas din sa imbestigasyon na noong March 14, pumunta ang biktima kasama si alyas “Gina” sa bahay ng suspek kung saan nagkaroon ng inuman, kasama ang isang alyas Kuya AJ at dito umano naganap ang unang panghahalay ng suspek sa biktima.

Dahil sa pangyayari ay dito na humingi ng tulong ang ina ng biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Source: tnnphilippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here