Home National News 17-anyos na tulak ng ‘damo’ sa socmed, timbog sa Pasig City

17-anyos na tulak ng ‘damo’ sa socmed, timbog sa Pasig City

135
0
SHARE

PASIG CITY — Matapos mag-viral sa social media ang mga larawan ng mga kabataan na humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana at ipinapakita ang kanilang mga napagbentahan ay agad nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), District Intelligence and Special Operations Unit (DIU and DSOU), District Mobile Force Battalion laban sa mga suspek na menor de edad sa “Tambakan Area” at Eusebio Ave., Barangay San Miguel dito sa nasabing lungsod.

Base sa report ni Eastern Police District (EPD) Acting District Director P/Sr. Supt. Bernabe M. Balba kay NCRPO Chief Police Director General Guillermo Eleazar, naaresto ang isang kabataan na nasa edad 17-anyos dakong alas-6:45 ng hapon nitong Miyerkules matapos nitong pagbilhan ng isang pakete ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Narekober mula sa suspek ang isang tea bag na may laman ng hinihinalang marijuana at 3 piraso ng small plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na P300 na buy bust money.

Sinabi ni Colonel Balba na ang nahuling suspek ay isang Out of School Youth ay siya rin ang nasa larawan kasama ang isa pang kabataan na nag post ng dirty finger at nagsabing hindi umano sila puwedeng hulihin ng mga pulis dahil sila ay mga menor de edad.

Dagdag pa ni Balba na ang suspek ay miyembro rin ng Anselle Rivera Drug Group na nadakip ng pulisya nitong June 22, 2018 at nahulihan ng 5 kilo ng marijuana na may halagang P500,000 at gumagamit ng mga kabataan bilang mga taga-deliver ng naturang ilegal na droga.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Violation of Sec 5 and 11 ng RA 9165 ang menor de edad na suspek sa Pasig City Prosecutors. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here