Home Bulacan Local News 172 pinakamalilinis na barangay sa Bulacan, pinarangalan

172 pinakamalilinis na barangay sa Bulacan, pinarangalan

73
0
SHARE
Nagpakuha ng larawan sina Former Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kasama sina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, Bise Gob. Daniel R. Fernando at mga pinarangalan sa ginanap na 2018 Gawad Parangal para sa Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran o KKK sa Barangay habang nakasara ang mga kamao bilang simbulo ng pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan para sa mas maayos na kapaligiran sa Bulacan Capitol Gymnasium. (Kuha ni RR Eleogo)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang 172 na mga pinakamalilinis at pinakamaaayos na barangay sa ginanap na 2018 Gawad Parangal para sa Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran o KKK sa Barangay sa Bulacan Capitol Gymnasium Huwebes (Dec.20).

Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala at perang insentibo na nagkakahalaga ng P20,000 para sa 14 na first placers, P15,000 para sa 56 na second placers at P10,000 para sa 102 na third placers.

Nagpapasalamat si Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa mga opisyal ng barangay sa Bulacan sa kanilang suporta sa adhkain ng lalawigan na mapanatili ang malinis na kapaligiran.

“To be able to sustain development kinakailangan malinis at maayos ang kapaligiran. Habang patungo tayo sa ganap na pagbabago, kayo ang first line of defense at kinikilala natin ang lahat ng inyong mga pagsisikap mula ng inilunsad ito noong 2014,” ani Alvarado.

Kinuha naman ni Dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, panauhing tagapagsalita ang pagkakataon upang ibahagi ang kaalaman hinggil sa pagkakaroon ng Malasakit Center sa Bulacan Medical Center kung saan wala ng babayaran ang mga maoospital dito at higit na madali na ang proseso.

“Napakaganda ng inyong ospital kaya maging proud kayo, this is a proof na kapag gagamitin talaga ng inyong officials ang pera sa tama, magkakaroon talaga ng resulta. I am really impressed,” pahayag ni Go.

Samantala, kinilala naman ni Bise Gob. Daniel R. Fernando ang pagsisikap ng kaniyang kapwa lingkod gayundin ang mga boluntaryo at sinabing hindi magiging posible ang pag-unlad kung wala ang mga ito.

“Ang lahat ng nakikita nating pag-unlad sa lalawigan ay dahil sa inyo, kayo po ang kaagapay namin, at kaagapay ng bawat mamamayan ng Bulacan. Hindi na aabutan ng susunod na henerasyon ang paligid na kinalakihan at inenjoy natin noon kung hindi natin ito iniingatan ngayon, salamat sa inyo,” ani Fernando.

Ayon sa Tanggapan ng Panlalawigang Tagapangasiwa, ibinase ang grado ng mga pinarangalan sa kalinisan, 50% ng kabuuang critera- 15% para sa malinis na kalsada at eskinita; 15% para sa malinis na kanal at ilog, gayundin ang mga patubig; at 20% para sa maayos na pagkolekta ng basura, samantala ang natitira pang 50% para sa kaayusan -15% para sa kawalan ng masakit sa matang streamers, election posters o patalastas na tapos na, mga nakakalat na gamit; 15% sa mga mayroong puno at gulay sa barangay; at 20% para sa malinis na barangay hall na may sistematikong pagtatago ng records.

Pagkatapos ng parangal, nagsalu-salo sa pagkain ang mga opisyal ng barangay at lalawigan bilang maagang pagdiriwang ng kapaskuhan. Nag-uwi din ang mga ito ng regalo mula sa Pamahalaang Panlalawigan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article80 kids, 110 inmates receive early Christmas gift from BCBP
Next article35-anyos na lalaki sa Ilocos Norte, patay sa biglang-tawid na asong kalye
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here