Home Pilantik #175 PBB Partylist, Partidong Bayan ang Bida

#175 PBB Partylist, Partidong Bayan ang Bida

16
0
SHARE

BIBIHIRA na sa panahong ito ang taong masasabing may busilak na kalooban lalo’t kung ang pag-uusapan ay pagiging lingkod bayan at handang manindigan sa karapatan ng mga maralita nating mga kababayan.

Totoo na sa mga kandidatong ngayon na nagnanais maluklok sa pwesto o kapangyarihan ay marami ang hindi tunay at tapat na paglilingkod ang nasa kani-kanilang kalooban, subalit may “isang anak mahirap” ang ngayon ay nahaharap sa matinding laban upang kung sakali na palarin at mabigyan ng pagkakataong manungkulan bilang KONGRESISTA ay itinataya niya ang kanyang dangal at pagkatao makapagsilbi lamang sa napararaming mahihirap na kapwa natin Pilipino.

Ang akin pong tinutukoy ay walang dili’t-iba kundi si Atty. IMELDA “IMEE” CRUZ, anak ng bayan ng Pulilan dito sa Lalawigan ng Bulacan, sanay sa hirap dahil isang anak mahirap.

Si Atty. Imee Cruz ang pangunahing tao na nagpursige at nagpakahirap upang mabuo at maitatag ang Partidong Bayan ang Bida o ang PBB Partylist.

Isa sa pinakaunang layunin ni Atty. Cruz, first nominee na naturang partylist, ay ang magkaroon ng sariling tahanan na masisilungan ang mga kapus-palad o mahihirap nating mga kababayan.

Ang mailapit sa pamahalaan ang mga taong walang kakayahang idaing ang kanilang mga suliranin at mga karaingan lalo na sa oras ng kagipitan.

Inilalapit ngayon ni Atty. Imee Cruz sa taong bayan ang kanyang sarili upang maging “BOSES” nating mahihirap sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung sakaling makakuha ng puesto ng PBB Partylist.

Ilan po lamang iyan sa mga naging dahilan kung bakit nabuo sa isipan ni Att. Cruz na suungin ang magulong mundo ng pulitika, ang makapaglingkod ng tapat at walang hinihintay na gantimpala, bayad man o pabuya.

Magkaisa po tayo at sama-samang iboto, iluklok sa Kongreso bilang ganap na kongresista si Atty. IMELDA “IMEE” CRUZ, Ang Tinig nating mahihirap.

Sa araw ng eleksyon, #175 PBB Partylist o Partido Bayan ang Bida ang atin pong itala sa balota. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here