Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Tag-ulan na naman, ang dengue’y ating iwasan!

Tag-ulan na naman, ang dengue’y ating iwasan!

44
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

HAY, naku! Panahon na naman ng tag-ulan. Kapag ganitong panahon ng tag-ulan, ang daming sakit na dapat  iwasan.

 

Hindi lamang leptospirosis ang nararapat iwasan ngayon kundi pati na rin ang dengue.
Ang dalawang sakit na ito ang nananalasa ngayong panahon ng taga-ulan at baha.

Ang dengue ay tulad ng leptospirosis na nakamamatay kung hindi agad maaagapan kaya sino ba naman ang hindi matatakot?

Ang dengue ay hatid ng lamok na Aedes Aegypti. Ang lamok na ito na kadalasang nangangagat tuwing daytime ay madaling makikilala dahil batik-batik ang katawan.
Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok na may dengue.

Huwag iistak ang mga basyong bote, lata, gulong ng sasakyan, paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng tubig sa panahon ng tag-ulan. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, at pagsusuka.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat pang paigtingin ng DOH. Magbigay ng inpormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo ang mga nasa liblib na lugar.

Problema sa libro, isa na lang bang pangako?

MALAPIT na naman pong matapos ang unang semester ng School Year 2019-2020 pero hanggang ngayon ay wala pa ring sapat na libro para sa mga Grade 6 pupil sa mga pampublikong paaralan dito sa Ilocos Region.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring libro o textbook para sa mga subject gaya ng: Filipino, Science, AP, English, EPP, at MAPEH.

Hindi ko alam kung ang mga  ibang rehiyon dito sa bansa ay walang  problemang tulad nito pero nararamdaman ko, mukhang ganitong-ganito rin ang problema sa mga iba pang rehiyon.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan at hanggang ngayon ay wala pa rin kumpletong libro na dumarating dito sa  gayong ang balita ko ay meron na sa NCR.
‘Wag nilang sabihin na walang pundo dahil maliwanag na maliwanag na sinabi ng administrasyong Duterte at DepEd noong bago nila ipatupad ang K+12 na iyan ay ‘Everything is ready’.

Sana naman ay maisip ng mga kinauukulan ang hirap ng mga batang nasa Grade 6 na walang magamit na libro para sa kanilang mga assignment at pati na rin sa pag-a-advance reading sa mga lesson na tatalakayin sa kanila sa mga araw na hinaharap.
Paging Madam Leonor Mirasol Magtolis-Briones, paki-aksyonan lang po.

Huwag na po sana ninyong hintaying matapos  ang School Year 2019-2020 bago ninyo tugunan ang problemang ito.

Patunayan po ninyo ngayon na ‘Everything is ready’. Ang tanong, ready nga ba? Sa tingin ko lang, parang hindi. Sobrang minadali kasi ang implementasyon kaya tuloy ang resulta, kulang dito, kulang doon, period! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSilang mga usurero at usurera
Next articleMayor Ricky Silvestre ng Marilao, masusukat ang kahusayan!
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here