Home National News 2 bebot tiklo sa P1.25 milyong shabu, 1 kilong marijuana sa Rizal

2 bebot tiklo sa P1.25 milyong shabu, 1 kilong marijuana sa Rizal

215
0
SHARE

CAINTA, Rizal — Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU PRO4A) at Special Drug Enforcement Team (SDET) ng Cainta PNP ang dalawang babaeng nagbebenta ng iligal na droga sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Cainta nu’ng Huwebes.

Sa ulat na nakarating kay Calabarzon Regional P/Chief Supt. Guillermo T. Eleazar kinilala ang mga naarestong suspek na sina Laika Camille D. San Pedro at isang Cecia B. Baylon, mga nasa hustong gulang.

Base sa inisyal na imbestigasyon dakong alas-12:45 ng madaling araw ng ilatag ang operasyon laban sa dalawang suspek matapos bentahan ng iligal na droga ang isang under cover agent na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang isang big plastic sachet na may laman 250 grams ng hinihinalang shabu na may street value na Php1,250,000, isang kilo ng marijuana o kilala rin sa tawag na kush na may halagang Php1,500,000 at ang ginamit na marked money.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulisya galing umano sa abroad ang mga nasabing iligal na droga na ipinapadala bilang package gamit ang iba’t-ibang pangalan para huwag matukoy ng mga otoridad.

Kasong paglabag sa Violation of Sec. 5 at 11 ng Republic Act. 9165 ang kakaharapin ng dalawang suspek. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here