Home National News 2 bus gamit ng mga atleta sa SEAG, nagbanggaan sa NLEX

2 bus gamit ng mga atleta sa SEAG, nagbanggaan sa NLEX

216
0
SHARE

BOCAUE, Bulacan — Dalawang bus na ginagamit na service ng mga manlalaro para sa SEA Games nagbanggaan sa south bound lane ng NLEX hapon nitong Nobyembre 30 sa bahagi ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan.

Ang dalawang bus ay maghahatid ng mga manlalaro sa Philippine Arena sa bayan ng Bocaue para sa pagbubukas ng SEA Games 2019.

Nakilala ang driver ng bus na nawalan ng preno na si Leo Jay Jerez residente bg Cabuyao, Laguna at ang isa pang driver na si Joey Bustista ng San Pedro, Laguna.

Ayon kay Jerez nawalan siya ng preno dahilan para mabangga niya ang sinusundang bus.

Aniya, galing sila sa New Clark City sa Capas, Tarlac ay ihahatid nila ang mga manlalaro mula sa bansang Laos sa Phil. Arena.

Ang binangga naman niyang bus ay naglalaman ng manlalaro mula sa Cambodia.

May ilang sakay ng bus ang nagtamo ng minor injuries at hindi nagpadala pa sa ospital at dumeretso na sa opening ng SEAG. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here