Home Bulacan Local News 2 ‘drug pushers’ patay, 2 arestado sa San Jose del Monte

2 ‘drug pushers’ patay, 2 arestado sa San Jose del Monte

1345
0
SHARE

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Dalawang notoryus na tulak ng iligal na droga ang nasawi habang dalawa ang nadakip ng mga operatiba sa isang buy-bust operation na nagresulta ng engkwentro sa Brgy. Sto. Cristo sa nasabing lungsod Miyerkules ng gabi (Oct. 9).

Sa ulat na nakarating kay P/Col. Chito G. Bersaluna, Bulacan Provincial Director mula kay P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., CSJDM police chief, kinilala ang mga napatay na sina Justin Sy at Jonathan Anonuevo, pawang nasa hustong gulang at residente ng Blk 49,lot 24, Area 1, Nuvista Subd., CSJDM habang ang mga naaresto ay sina Roan Alcala, 19-anyos, estudyante, residente ng B12, Bgry. Gumaoc West at Joseph Emeterio, 33 anyos, may-asawa ng Bgry. Poblacion I, ng CSJDM.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang city police sa pangunguna ni P/Major Leo Dela Rosa laban kina Sy at Anonuevo.

Naghinala ang mga suspek na isang pulis ang kanilang ka-deal sa droga kaya ang napatay na suspek na si Sy ay mabilis na umuwi ng bahay para kunin ang improvised shot gun o sumpak at mabilis na pinapautukan ang mga otoridad.

Napilitan ang mga operatiba na gumanti ng putok na agad na tinamaan ang mga suspek na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga ito.

Nakuha naman sa dalawang naarestong suspek ang anim na small plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang medium size na plastic sachet na naglalaman rin ng iligal na droga.

Agad na sinuri ng Bulacan Scene of the Crime Operatives ang crime scene habang ang dalawang naarestong suspek at kakasuhan ng kaukulang kaso. (RONDA Balita Online)

SHARE
Previous article17-year old female NPA member surrenders in Bulacan
Next articleCity of Meycauayan pork remains ASF-free
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here