2 dump truck huli sa illegal quarry sa Norzagaray

0
446
Sina Gob. Daniel R. Fernando at Mayor Alfredo DG. Germar ng Norzagaray habang nag-uusap hinggil sa susunod na aksyon matapos masabat ang dalawang trak na may lulang lupa na ibinabiyahe ng walang permit at kaukulang dokumento sa isinagawang random inspection sa Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan noong Huwebes (Jan. 16). Kasalukuyang nakalagi ang mga trak sa Provincial Engineer's Office sa Bakuran ng Kapitolyo. (Photo courtesy of PPAO)

NORZAGARAY, Bulacan – Pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando ang random inspection ng mga truck na nagdadala ng graba at buhangin sa ibang pang likas na yaman mula sa mga bundok na sakop ng probinsya noong Huwebes (Jan. 16).

Sa naganap na sorpresang inspeksyon, dalawang truck na may lulang lupa sa Brgy. Tigbe, Norzagaray ang pinahinto at sinuri ni Gov. Fernando kasama ang mga kawani ng Bulacan Environment and Natural Resources (BENRO).

Hinanapan ng gobernador ang mga driver ng naturang truck ng mahahalagang dokumento o permit ngunit wala itong maipakita.

Ang mga trak ay dinala sa Provincial Engineer’s Office sa loob ng Capitol Compound sa Lungsod ng Malolos para sa pormal na pagsisiyasat.

Sinabi ni Fernando na ang dalawang trak ay naghahatid ng lupa nang walang mga pahintulot at kinakailangang dokumento. “It’s illegal,” dagdag pa ng gobernador.

“Dapat lamang na personal nating tututukan at i-monitor ang lahat ng mga bumabyaheng mga truck mula sa kabundukan ng ating lalawigan upang matiyak na may mga permit ito at galing sa tamang lugar at hindi nakasira sa kailugan at kagubatan at lalung hindi naaabuso ang ating likas yaman,” ani gobernador.

Sinabi ni Fernando na ang mga bundok sa Bulacan ay inilalagay sa peligro dahil sa iligal na pag-quarry at malubhang pagpuputol ng mga puno.

Ayon pa kay Gov. Fernando ito na ang tamang oras para ang mga Bulakenyo na magkaisa sa pag-save ng mga bundok ng Sierra Madre at mga likas na yaman.

. “Let us preserve the beauty of the province gifted by rich natural resources,” saad pa ng gobernador. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here