Home National News 2 magkaangkas sa motorsiklo patay sa aksidente sa Cavite

2 magkaangkas sa motorsiklo patay sa aksidente sa Cavite

398
0
SHARE

DASMARIÑAS, Cavite — Patay ang dalawa kataong lulan ng isang motorsiklo matapos sumemplang ito at bumangga sa isang pader sa nabanggit na bayan madaling-araw nung Martes.

Kinilala ang mga biktima na si Tom Dan Millendrez, 21 anyos, residente ng Block 10, Lot 24, Landscape MOlino 1, Bacoor at ang angkas nitong si Maybelle Mendoza, 21, ng San Dionision Area 1, Block 5, Dasmariñas, pawang sa lalawigan ng Cavite.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:45 ng madaling araw habang sakay ng isang Mitsukoshi Euro Motorcycle na kulay asul at puti ang mga biktima galing Governor’s Drive sakop ng Brgy. Sampaloc patungong General Mariano Alvarez, Cavite, subalit nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Millendrez at bumangga sa isang pader na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng angkas nitong na si Mendoza.

Nagawa pang maisugod sa ospital si Mellendrez subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here