Home National News 2 mangingisda sa Ilocos Sur, nawawala!

2 mangingisda sa Ilocos Sur, nawawala!

61
0
SHARE

SANTIAGO, Ilocos Sur — Dalawang mangingisda sa sa nabanggit na bayan ang iniulat na nawawala nu’ng Huwebes (Dec. 27) matapos na hindi na makauwi at makabalik sa kanilang pamilya simula nang pumalaot sila para mangisda noong madaling-araw ng Miyerkules (Dec. 26).

Ang mga nawawalang mangingisda ay kinilala ng Santiago-PNP na sina Nilo Lacaden Etrata, 36 anyos, may asawa, ng Brgy. Gabao at Gerald Rapada Tadena, 41 anyos, may asawa ng Brgy. San Roque.

Mismong si Brgy. Capt. Ruben Elefante ng Brgy. Gabao ang tumawag sa Santiago Municipal Police Station para ireport na nawawala ang dalawang mangingisda na pumalaot para mangisda sakay ng bangkang may kulay na blue at white na may nakasulat na pangalan na IVAN at AYESSA.

Ayon kay Elefante, limang bangkang pangisda ang pumalaot noong araw na iyon pero nang dumating ang takdang oras para bumalik na ang mga pumalaot na mangingisda, tanging ang apat lang ang nakabalik. Ang limang bangkang pangisda ay nakatakdang bumalik ng mga 3 pm o 4 pm ng Dec. 26.

Nabatid Nung Huwebes ay maraming taga-Gabao at San Roque ang pumalaot para hanapin ang dalawa pero nabigo silang makita sina Etrata at Tadena. Maging ang mga Costguard ay wala pang mailabas na report kaugnay sa pagkawala ng dalawa.

Hindi naman umano maalon sa gitna ng laot noong mga oras na iyon kaya palaisipan pa rin kung ano ang posibleng nangyari sa dalawa kung bakit hindi sila nakabalik.

Dahil dito, nananawagan sina Brgy. Captain Ruben Elefante (09052409353) at ang Santiago MPS (09177776174) na kung sino man ang makikita o makahanap sa dalawa, mangyaring ipagbigay-alam lang kaagad ito sa kanila. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article38-year-old extortionist nabbed in Meycauayan
Next articleChief PNP inspects firecrackers and fireworks establishments in Bocaue
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here