Home National News 2 miyembro ng gun-for-hire group, todas sa engkuwentro

2 miyembro ng gun-for-hire group, todas sa engkuwentro

49
0
SHARE

ILOCOS SUR — Patay ang dalawang lalaking hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group matapos na makipagbarilan sa mga miyembro ng CIDG, PIB, Highway Patrol Group at Cabugao Municipal Police Station nung Martes ng gabi (Jan. 8) sa Sitio Balaywak, Brgy. Pug-os, Cabugao.

Ang dalawang lalaki na napatay sa naturang engkuwentro na hinihinalang miyembro ng Benzon-Alviento Gun-for-hire Group ay nakilala lamang sa mga pangalan na Rodrigo Urmin, Jr. , base sa nakuhang ID sa bulsa ng isa at Robinhood Abad.

Base sa report, bandang 8:45 ng gabi nang mangyari ang engkuwentro sa naturang lugar na tumagal ng halos tatlumpong minuto.

Nauna rito, ang dalawang napatay ay namataan na nakasakay sa isang TMX 155 Honda motorcycle na walang plate number , na mabilis ang takbo sa kahabaan ng national highway sa naturang lugar habang nakasunod dito ang mga sasakyan ng mga operatiba.

Nang makarating sa erya, dito na biglang nagkaroon ng putukan na ikinamatay ng dalawa.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal. 38 pistol at cal. 45 na ginamit ng mga nasawi sa pakikipagbarilan sa mga law enforcers. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMagkapatid na mayor at municipal councilor sa Sinait, isasailalim sa security assessment
Next articlePower interruption sa Luzon mararanasan sa Enero 14-20
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here