2 most wanted, nalambat sa Batangas

0
220

TANAUAN CITY, Batangas — Nalaglag sa kamay ng mga otoridad ang dalawang most wanted person kabilang ang isang dating takas sa Manila City Jail (MCJ) 14 na taon na ang nakalilipas matapos madakip sa pinagtataguan nitong mga lugar sa nabanggit na lungsod nu’ng Linggo.

Base sa report na ipinadala ni Batangas Acting Provicial Director Police Senior Supt. Atty. Edwin A. Quilates kay Calabarzon Regional Director Police Chief Supt. Eduard Carranza kinilala ang mga suspek na sina Nonelon Vergara, 51-anyos, kasalukuyang residente ng Brgy. Boot, Tanauana City at Rafael Villanueva, 40, nakatira sa Pansipit sa bayan ng Agoncillo, Batangas.

Ayon kay Quilates, nadakip si Vergara makaraang silbihan ng arrest warrant na inisyu ng korte. Ang suspek ay Top 1 sa Manhunt Charlie at may kasong illegal recruitment in large scale at estafa.

Si Villanueva ay most wanted No. 2 sa Lambat Sibat Phase 4 at top 5 sa Manhunt Charlie ng Ageoncillo PNP at may kinakaharap na kasong murder.

Pansamantalang nakakulong sa kani-kanilang bayan ang mga suspek habang inihahanda sa korte ang kakaharapin nilang mga kaso. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here