Home Top Story 2 pulis escort na nanira ng side mirror, sinibak sa puwesto!

2 pulis escort na nanira ng side mirror, sinibak sa puwesto!

101
0
SHARE

PASAY CITY — Sermon ang inabot ng dalawang pulis na mahilig mag-escort sa mga pribadong indibidwal matapos mapanood sa social media ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Director Guillermo Eleazar ang ginawa ng isa sa mga ito na binasag ang side mirror ng isang nakaparadang taxi sa kahabaan ng Andrews Blvd., sa nabanggit na lungsod Biyernes.

Kinilala ang mga pulis na nakuhanan ng dashcam video ng taxi na pagmamay-ari ng isang Joseph Barreno na nag-upload ng video sa social media na sina PO2 Ralph Curibang Tumanguil, na nakatalaga sa PCP-7 ng Parañaque City Police Station at si PO2 Jay Pastrana Templonuevo na nakatalaga naman sa NCRPO na kapwa mahaharap sa PNP Circular No.2016-002 o Less Grave Misconduct o tinatawag na pag-eescort sa mga pribadong tao na walang pahintulot ng kanilang mga opisyal.

Maliban sa kasong administratibo ay haharap din umano si Tumanguil sa kasong kriminal na malicious mischief dahil sa pagsira nito sa side mirror ng taxi.

Napag-alaman na ang dalawang pulis ay kasalukuyang may ini-eskortan na isang negosyanteng Koreano ng maganap ang insidente.

Ayon kay Eleazar, hindi niya palalagpasin ang maling ginawa ng dalawang pulis kung kaya agad niyang ipinag-utos ang pagsibak sa puwesto sa dalawa at ilagay sa Regional Holding Accounting Unit (RHAU) habang iniimbestigahan ang mga kaso na isasampa sa kanila.

Nagbigay din ito ng kasiguruhan sa may ari at drayber ng taxi na bibigyan ng patas at mabilis na aksyon ang nabanggit na insidente at titiyakin na mapaparusahan ang mga sangkot na mga abusadong pulis. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKuya sinaksak si utol, patay sa Mandaluyong City
Next articleMga panabong manok mula California, ibinaon ng patay!
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here