2 todas sa magkahiwalay na shoot out sa Batangas

0
89

BATANGAS POLICE PROVINCIAL OFFICE — Bumulagta sa magkahiwalay na shooting incident ang dalawang suspek matapos manlaban at makipagpalitan ng putok ng baril sa mga otoridad ng Batangas PNP nitong Miyerkules ng madaling araw (Dec. 12).

Base sa ipinadalang report ng Batangas Provincial Police Office, unang napatay ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Billy” habang nakatakas naman kasama nito sa bayan ng Sta. Teresita dakong alas-1:45 ng madaling araw ng magsagawa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng nasabing bayan sa pangunguna ni SPO 3 Renato Melecio San Gabriel.

Nakatunog umano ang dalawang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon na agad nagpaputok ng dalang mga baril ang mga suspek kaya’t napilitan gumanti ng putok ang mga pulis at napatay si alyas “Billy” at nakatakas naman sa pamamagitan ng pagtakbo sa tubohan ang hindi pa kilalang kasama nito.

Narekober sa lugar ang isang cal.9mm ingram pistol, kulay itim na motorsiklo at mga basyo ng bala.

Dead on arrival naman si Reynaldo Cabungkal ng manlaban ito sa mga kapulisan ng Balayan Municipal Police Station na maghahain ng Search warrant sa kanyang bahay alas 2:50 ng madaling araw sa Brgy.Pook sa bayan ng Balayan.

Ayon sa report unang nagpaputok si Cabungkal na agad naman gumanti ng putok ang mga pulis at nasugatan ang suspek na sinubokan pang dalhin sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ng DMLMDH.

Nakuha sa lugar ng crime scene ang ginamit na cal.45 na baril ng suspek na loaded ng magazine at mga bala at mga basyo ng bala.(RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here