2 ‘tulak’ bumulagta sa Caloocan City

0
201

CALOOCAN CITY — Dead on the spot ang dalawang nagtutulak ng iligal na droga matapos na manlaban sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba SDEU at SSOU ng Caloocan City police Brgy. Libis, Baesa.

Nakilala ang mga napatay na suspek na sina Alvin Maglaya alyas “Alvin,” at Jesus Funelas alyas “Itot,” mga nasa hustong gulang.

Base sa ipinadalang report ni Northern Police District Police Chief Supt. Gregorio N. Lim kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director General Guillermo T. Eleazar, dakong alas-9:45 ng gabi nu’ng Sabado ng magkasa ng buy-bust operation laban sa mga suspek.

Nakatunog umano ang mga susupek na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad na pinaputukan ang mga otoridad na mabilis naman nakaganti ng putok para sa kaligtasan ng kanilang mga sarili.

Matapos ang palitan ng putok ay nakitang nakahandusay ang dalawang suspek at wala ng buhay.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang 2 cal. 38 na baril na ginamit ng mga suspek, na may mga bala, 6 na pirasong small heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500.00 bill na ginamit na buy bust money at mga basyo ng bala.

Dinala na ang mga labi ng dalawang nasawing suspek sa Eusebio Funeral Homes. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here