Home Bulacan Local News 2 ‘tulak’ sa CSJDM, patay sa engkuwentro

2 ‘tulak’ sa CSJDM, patay sa engkuwentro

140
0
SHARE
Ang mga napatay na suspek na sina Joseph Estrera at kasama nito na si Alyas Enteng matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng San Jose del Monte City nu’ng Lunes (Nov. 5). Photo courtesy: San Jose del Monte Police Station

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Patay ang 2 umano’y tulak ng droga matapos mauwi sa isang engkuwentro ang buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan nu’ng Lunes ng gabi (Nov. 5).

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr., CSJDM police chief, kinilala ang mga suspek na sina Joseph Estrera, alyas Betong, at kaniyang kasamahan na kilala lamang sa alyas Enteng. Sangkot din umano ang mga suspek sa serye ng pagnanakaw sa mga subdivision sa lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon ng San Jose del Monte police, bandang 11:45 ng gabi nang nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek matapos ang maikling habulan.

Nang ma-corner na ang mga suspek ant madadakip na sila ay bumaba sila sa sinasakyang motorsiklo at patakbong pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga suspek.

Nakalap sa pinangyarihan ng engkuwentro ang 2 kalibre .38 na baril at iligal na droga. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleProposed Bulacan airport seen to triple tourist arrivals in PH
Next article2 pulis na inireklamo ng panggahasa sa loob ng mobile, arestado
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here