Home Top Story 20 army trucks, 5,000 rifles at mga bala, dumating na mula sa...

20 army trucks, 5,000 rifles at mga bala, dumating na mula sa Russia

566
0
SHARE

DUMATING na sa bansa ang mga donasyon ng Russia bilang bahagi ng bagong defense relationship ng dalawang bansa.

Dumaong ang tatlong Russian warships kahapon kabilang ang dalawang anti-submarine vessels para magbaba ng mga baril at sasakyang pandigma.

Nasa 5,000 Kalashnikov AK-47 Rifles, isang milyong mga bala at 20 army trucks ang laman ng mga kargamento.

“We would do our best to make this port call a significant contribution indicating friendly ties and relations between two nations in the interest of security and stability in this region,” sabi ni Eduard Mikhailov, ang deputy commander ng Russia Pacific Fleet Flotilla.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng 5,000 Kalashnikov rifles ang Russia bilang tulong sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.

Kabilang umamno ito sa mga resulta sa pakikipag-usap kay Russian President Vladimir Putin sa official visit ni Pangulong Duterte sa Russia nitong Mayo.

Ikatlong pagbisita na ito sa bansa ng mga Russian warships kasunod ng mga hakbang ng pangulo sa pakikipagkaibigan sa kanila.

Inaasahan naman ang pagdating sa susunod na linggo ang defense minister ng Russia na si Sergei Shoigu at ng U.S. na si Jim Mattis para sa isang regional defense meeting.

Nakatakda rin ang paglagada ng Pilipinas at Russia sa isang security deal hinggil sa military logistics sa susunod na linggo.

 

SHARE
Previous articleCompany driver arestado sa pananakot, pambababoy sa katrabaho
Next articleBagong BPC officers, manunumpa sa tungkulin
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here