Home Bulacan Local News 26 na pares ng mga katutubong Dumagat, sabay-sabay na ikinasal

26 na pares ng mga katutubong Dumagat, sabay-sabay na ikinasal

34
0
SHARE

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Umabot sa 26 na katutubong Dumagat ang sabayang ikinasal sa kauna-unahang pagkakataon at nag-kiss the bride ng limang minuto na isinagawa sa The Rising Heart, Barangka Road, Brgy. Paradise III sa nasabing lungsod.

Pinangunahan ang naturang pag-iisang dibdib ni CSJDM Mayor Arthur Robes at Rev. Averlino Tubig nu’ng Martes (Feb. 11)

Ani Robes, sumali sila sa UNESCO Creative City na parte na rin ng Rising Heart Marker na ini-launched nu’ng Martes ay minabuti nilang isabay na ang kasalang katutubo sa nalalapit na araw ng mga puso.

Sa pamamagitan ng kasalang ito ay mabibigyan na ng legal na dokumento ang pamilyang Dumagat at kanilang mga supling.

Sa bandang huli ng seremonya ng alkalde ay nagrequest ito ng kiss the bride sa loob ng limang minuto na pinaunlakan naman ng mga ikinasal na katutubosa abot ng kanilang kinayang halikan.

Nalamang sa pamamagitan ni Indigenous People Mandatory Representative Benjamin San Jose ay humingi ito ng tulong kay Mayor Robes para ma bigyan ng maayos na kasal kanyang mga kababayang katutubo.

Sinundan ito ng isang ritwal o kanilang nakasanayang kultura sa pagkakasal na mag-aalalay ng pagkain at pagkatay ng puting manok.

May tig-isang ninong at ninang naman ang bawat ikakasal habang kapiling ang kanilang mga magulang sa naturang kasalan.

Sa panayam, masaya ang kinasal na katutubo na sina Andrew Manuel, 22-anyos at Elisa Cruz, 20, residente ng Sitio Karamuhi, Brgy. San Isidro na may isang anak at nangarap na magkaroon ng disenteng kasal.

Sinabi ni Manuel na tanging pagbubuho o gumagawa ng stick ng barbecue ang kanyang trabaho na kanilang ikinabubuhay.

Nag-uwi naman ng samut-saring regalo ang mga ikinasal na katutubo galing naman kay Mayor Robes bilang pakunsuwelo. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleChinese national timbog sa shabu na inihalo sa kanin
Next articleTrump ‘fine’ with end of Philippines military pact
JOSE Erwin O. Bunag of Bulakan, Bulacan is a researcher/video journalist of GMA News Stringer Rommel Ramos. He covered mostly in the provinces of Bulacan and Pampanga. He is also a columnist/reporter of a local newspaper Bulacan Insight. Jose Erwin is a former video journalist and associate of Central Luzon Television 36.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here