29 ‘adik’ sa sugal sa Bulacan, kalaboso!

0
881
Ang ilan sa mga inaresto dahil sa paglalaro ng iligal na sugal sa ibat ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan nung Miyerkules (May 13) at Huwebes (May 14) kaugnay ng mas pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling. (Larawan mula sa Bulacan PPO)

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Kaugnay ng mas pinaigting na kampanya kontra iligal na sugal, arestado ang 29 na indibidwal matapos mahuli sa aktong nagsusugal sa serye ng operasyon na inilatag ng Bulacan police nung Miyerkules (May 13) at Huwebes (May 14).

Ayon sa ulat kay Col. Lawrence Cajipe, unang naaresto nu’ng Miyerkules ang 23 katao sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at ng Bocaue, Meycauayan at Obando pulis at sinundan ng 6 na katao nu’ng Huwebes.

Kinilala ang 23 katao na dinakip sa paglalaro ng tong-its, cara y cruz, pusoy, bingo at majhong na sina Cathylen Petallana, Jefferson Dela Fuente, Julito Bondoc, Cyrel Santos, Erlinda Matic, Jay Ocampo, Marissa Lozada, Eugene Lising, Lorena Fernando, Nemerto Vidal, John Fredie Mape, Wilfredo Mape , Melvin Pipo, Jayson Graradoso, isang 17-anyos nab lalaki, Daisy Ann Benedicto, Noneth Badilla, Criselda Guadalupe, April Guadalupe, Danilo Baluyot, Ramon Jay Ibasco, at Arsenio San Diego Jr., Edison Danal.

Narekober sa mga suspek ang mga gambling paraphernalia, at hindi pa batid na halaga taya sa mga nasabing iligal na sugal.

Samantala, anim na katao ang naaresto sa Marilao at Bustos dahil sa iligal na sugal na Tong-its nung Huwebes. Ito ay sina Rhenan Gainsan Baldoza, Rubin Misong Fundador, Ernelyn Yap Tonion, Nomer delos Santos, Gerald dela Cruz, at Adremar Abayao.

Nasamsam naman sa mga suspek ang halaga P730, at dalawang set ng baraha.

Kakasuhan ang mga nahuli ng paglabag sa P.D. 1602 o Illegal Gambling, na kung saan maaaring makulong ang mga tumaya sa sugal nang 30 hanggang 90 araw. Habang anim na taon hannggang walong taon naman ang sintensya sa mga operator at staff ng ilegal na pasugalan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here