Home Events 2nd gig, open mic jam ng Ugat Pinas-Malolos, dinumog

2nd gig, open mic jam ng Ugat Pinas-Malolos, dinumog

323
0
SHARE

MISTULANG pati ang panahon ay nagbigay-pugay ng pansamantalang tumila ang patak ng ulan upang bigyan daan ang ikalawang gig at open mic jam ng Ugat Pinas- Malolos sa Patio Juan Garden Art Cafe sa Lungsod ng Malolos kamakailan.

Ang Ugat Pinas-Malolos music caravan ay halos nakasentro sa roots, rock, revival caravan ng mga musika noong dekada 70.

Ito ay tinatampukan ng mga local Bulakenyo band sa pangunguna ng walang kakupas-kupas na Delia, Century Egg, Yaya Dub, Shite Sunday at si MJ Maclang (spepokenword).

Ayon kay UgatPinas-Malolos Executive Producer Moy Aniag. Ito ang simula ng walang katapusang tugtugan ng mga musikang sariling atin mula sa nagkaisang bandang Bulakenyo na naniniwalang blues music never die.

Ang UgatPinas na may adbokasiyang ipalaganap ang kasaysayan ng ating musika ay isasagawa ang 3rd music grand caravan sa July 30 sa sikat na Pangnan Grill and Restaurant sa Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Ang UgatPinas-Malolos karawan ng musika ay hatid ng Patintero, Crossroads Production at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

SHARE
Previous articlePartners sought for AgriMuseum that may help inspire education interest in agriculture
Next articleBagong principal ng MHPNHS, anak ng magsasaka, produkto ng public school
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here