Home Featured Story 3 araw na ‘di pagkain, nagpapalakas ng immune system!

3 araw na ‘di pagkain, nagpapalakas ng immune system!

10
0
SHARE

MANILA — Ang hindi pagkain ng ilang araw o ang tinatawag nating “fasting” o “diet” ay nakatutulong sa ating katawan upang magkaroon ng panlaban sa mga sakit.

Napatunayan kasi ng bagong pag-aaral na ang hindi pagkain ng mahigit sa dalawang araw ay maaaring magpalakas at mag-regenerate ng immune system, nakatutulong sa katawan para labanan ang mga impeksiyon.

Sinasabi ng mga scientist sa University of Southern California na ang naturang resulta ay mas magiging epektibo sa mga matatanda at taong mayroong problema sa kanilang immune system, gaya ng mga mayroong cancer.

Sinuri ng mga researcher ang epekto ng fasting sa loob ng dalawa hanggang apat na araw sa loob ng anim na buwan sa mga daga at tao.

Sa kaparehong kaso, napag-alaman na ang hindi pagkain sa matagal na panahon ay nakapagpapababa ng white blood cells counts.

At sa mga daga, ang kada-cycle ng fasting ay nagpapabilis ng “regenerative switch” na naging dahilan ng regeneration ng bagong white blood cells, dahil dito, napalalakas nito ang defense system ng katawan.

Ayon kay Valter Longo, Professor ng Gerontology at ng Biological Sciences sa University of Southern California, “It gives the OK for stem cells to go ahead and begin proliferating and rebuild the entire system.

“And the good news is that the body got rid of the parts of the system that might be damaged or old, the inefficient parts, during the fasting.”

Dagdag pa ni Longo, kung kagagaling pa lamang sa chemotherapy o kaya’y mayroon nang edad, ang pagsisimula ng fasting ay nakapagpapabago at nagpapalakas ng immune system.

Natuklasan din na ang fasting ay nakapagpapababa ng lebel ng enzyme PKA, isang epekto na kilalang napagpapahaba ng buhay ng mga simpleng organismo, pati na ng lebel ng hormone IGF-1, naikokonekta sa pagtanda, pagkakaroon ng tumor at tiyansang pagkakaroon ng cancer.

Bukod pa riyan, isang maiksing pilot clinical trial din ang nakatuklas na ang fasting ng 72-oras bago sumailalim sa chemotherapy ay nagproprotekta sa mga pasyente laban sa toxicity.

“While chemotherapy saves lives, it causes significant collateral damage to the immune system. The results of this study suggest that fasting may mitigate some of the harmful effects of chemotherapy,” ayon kay Tanya Dorff, assistant professor ng clinical medicine sa University of Southern California.

“More clinical studies are needed, and any such dietary intervention should be undertaken only under the guidance of a physician.”

Source: Remate Online

SHARE
Previous articleMga holiday sa bansa, nilagdaan ni Duterte
Next articleGetaway car na ginamit sa ambush, narekober ng La Union-PNP
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here