Home National News 3 big time drug pusher, timbog sa P1.7 milyon shabu sa Batangas

3 big time drug pusher, timbog sa P1.7 milyon shabu sa Batangas

652
0
SHARE

BATANGAS City — Arestado ang tatlong big-time na tulak kabilang ang 82-anyos na lola matapos na masabat sa kanila ang P1.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng mga elemento ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa nasabing lungsod nu’ng Martes.

Sa report na isinumite kay Batangas Police Provincial Office Officer-In-Charge Police Sr. Supt. Edwin Quilates kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Danilo Ramos alias Kalbo, 32-anyos; Circoncicion Andal alias Mamita, 59 at Estelita Andal alias Nanay, 82.

Nadakip ang tatlong suspek nitong martes ng gabi sa Rizal Ave., Brgy. Calicanto sa nasabing lungsod matapos makipag-transaksyon at bentahan ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Narekober sa mga suspek ang 58 piraso ng heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 250 gramo at may estimated street value na P1,700,000 at ang P15,000 na ginamit na marked money.

Pansamantalang nakadetine sa Batangas City Custodial Facility ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng Republic Act. 9165. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDuterte appoints Marlon Casquejo as new Comelec commissioner
Next articleBabae pinatay ’di umano ng karelasyon na pari
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here