Home Top Story 3 bigtime pushers, timbog sa P54.4 milyong shabu sa Caloocan City

3 bigtime pushers, timbog sa P54.4 milyong shabu sa Caloocan City

211
0
SHARE

CALOOCAN CITY — Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Regional Special Opereations Unit (RSOU) ng NCRPO, Caloocan City Police Station ng Northern Police District ang 3 bigtime drug pusher nG kumagat sa pain sa isang drug buy bust operation sa parking lot ng Victory Mall, 12th Ave., Caloocan City nitong Lunes ng umaga (Oct. 29).

Nakilala ang tatlong tulak ng iligal na droga na sina Nasrudin Mantikayan alyas Buts, ang target ng operasyon; Ibrahin Hassan; Ampal Pala, mga nasa hustong gulang.

Base sa report ni RSOU Chief Rogarth Campo kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, inaresto ang mga suspek matapos maiabot ng mga ito ang 2 kilo ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer na nagkakahalaga ng P5,000,000.

Nadiskubre din sa loob ng sasakyan ng mga suspek na isang Toyota Mirage na kulay puti at may conduction sticker na BOK659 ang mga deposit slip ng mga pinagbentahan ng iligal na droga at 6 na kilong shabu na may kabuuan 8 kilo at may total market street value na P54,000.000, kasama din na nasamsam ang ginamit na 50 bundles ng P1,000 na nagsilbing marked money.

Sinabi ni Eleazar na ang nasabing operasyon ay bahagi ng 4 na sunud-sunod nilang buy bust operations na nakakumpiska rin sila ng 10 kilong shabu.

Dagdag pa ni Eleazar na ang tatlong suspek ay pawang mga muslim na nagmula sa Zamboanga del Sur, Maguindanao, at Cotabato, ARMM na nag-o-operate sa area ng Calabarzon at Metro Manila area at sumailalim sa apat na buwang tuluy-tuloy na surveilance operations.

Mga kasong paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165 o (Dangerous Drugs Act.) ang isasampa laban sa mga suspek. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article4 patay sa karambola ng 4 sasakyan sa Batangas
Next articleSevere Weather Bulletin by Pagasa
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here