Home Senyor Latigo 3 BOD ng Plaridel Water District, pinabababa sa puwesto!

3 BOD ng Plaridel Water District, pinabababa sa puwesto!

766
3
SHARE
Opinion Column by Archie Jimenez

NAGSUMITE ng isang liham ang kasalukuyang Pangulo ng Plaridel Water District Employees Association (PWDEA) Jun R. Lopez sa tanggapan ni Plaridel Mayor Jocell Vistan-Casaje para hilingin na pababain o patalsikin na sa kanilang mga tungkulin ang 3 Board of Directors dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019.

Ayon sa liham ni Lopez na siyang nanguna sa paghahain ng criminal complaint na graft and corruption laban kina Chairman Nancy dela Cruz, Vice-Chairman Emilio Jacinto at Director Antonio San Luis ay sertipikado diumano ang lahat ng hawak nilang mga dokumento na makapagpapatunay sa lahat ng mga katiwaliang kinasasangkutan ng naturang mga miyembro ng Board.

Ang pagkakatalaga pa lamang nina Dela Cruz, Jacinto at San Luis sa kanilang mga puwesto ay naging kuwestiyunable na para sa kanila.

Kahit na nga kuwestiyunable ang mga pagtatalaga sa tatlong nabanggit na opisyales ay wala silang nagawa dahil sa inaprubahan ito ng pangkalahatang miyembro ng body.

Unang katiwaliang ginawa ni Dela Cruz na siyang kinatawan ng Womens Sector ng Plaridel Water District ay naganap noong makatanggap diumano ito ng paanyaya noong Agosto 12, 2016 mula sa Water Environment Federations para sa gaganaping Water Environment Federations Annual Technical Exhibitions and Conference 2016 na ginanap sa New Orleans, Lousiana.

Bilang driver ng Administrative and Finance Division itong si Pangulong Jun ay ipinagmaneho niya itong si Chairman Dela Cruz papunta sa isang Travel Agency na personal niyang inasikaso ang mga dokumentong kanyang kakailanganin para sa kanyang isasagawang pagdalo sa WEFTEC 2016 noong September 2016.

Naglabas ang PLAWD Administrative and Finance Division ng
Disbursement Voucher na may control no. 16-09-0026 noong September 5, 2016 para sa kabayaran ng kanyang ticket at registration fee na nagkakahalaga ng P95,541.20 na sa kanila umanong pananaw ay napakalaking halaga para sa pagbiyahe ng iisang tao lamang at ito ay maliwanag na paglabag sa itinatadhana ng RA 9184 Section 3.

Dahil kung dumaan ito sa tamang proseso at nasunod ang tamang alituntuning ipinaiiral ng PLAWD ay hindi dapat lumagpas sa halagang P50,000 ang kanyang magagastos!.

Pero dahil sa itong si Dela Cruz ang siya rin umanong pinakapuno ng Head of Procuring Entity o HOPE ay walang kahirap-hirap na naaprubahan ang kanyang gastusin para sa isasagawang pagbiyahe na hindi man lang dumaan sa bidding na siyang tamang proseso ng kanilang kompanya.

Kaya lumalabas na reimbursable o hindi na mababalik pa ang perang ipinambayad niya sa kanyang pagbiyahe. Dahil sa nauna na ang kanyang pagbabayad bago pa man lumabas diumano ang approval ng Local Water Utilities Administration o LWUA.

Ang Authority to Travel ni Dela Cruz ay naaprubahan lamang ng LWUA noong September 14, 2016. Kaya malinaw na may nilabag talaga ito sa kasalukuyang umiiral na batas.

Maliwanag ding nakasaad sa ibinigay na Authority to travel ng LWUA sa naturang chirman na mayroon siyang limang araw na kapahintuliutan na makapagbiyahe. Umalis ng bansa noon si Dela Cruz gamit ang Authority to Travel na bigay ng LWUA noong September 24, 2016.

Dapat ang balik niya ay September 28, 2016 alinsunod sa permisong ibinigay sa kanya ng ahensya. Pero ang nangyari ay October 20, 2016 ng nakabalik ng bansa itong si Chairman.

Ibig lang sabihin ay wala ng bisa ang ibinigay sa kanyang Authority to Travel ng LWUA dahil sa umabot sa 22 araw ang kanyang ginawang pamamalagi sa ibang bansa. Kaya malinaw na 22 days din siyang wala sa Pilipinas at hindi nagagampanan ang kanyang mga tungkulin sa kompanya.

Base sa mga tiket na ginamit diumano ni Dela Cruz ay napag-alamang hindi lamang sa itinakdang lugar na kung saan ginanap ang komperensiya ito nagpunta. Dahil bukod sa New Orleans, Lousiana na kung saan doon ginanap ang komperensiya ay nagtungo rin diumano ito sa iba’t-ibang estado ng Amerika kabilang na dito ang Philadelphia.

Lumalabas na hindi lamang ang dahilan ng kanyang pagbiyahe ay para makadalo ng nasabing conference kundi para na rin sa kanyang pampersonal na pagbiyahe.

Wala namang problema kung bumiyahe si Chairman dela Cruz sa kung saang bansa niya gusto. Ang problema at kinukuwestiyon ng grupo ni Jun Lopez ay pera o pondo ng Water District diumano ang ginamit nito.

Kaya ang kanilang naging katanungan ay “Ganito ba ang gawain ng isang chairman na may pagpapahalaga sa pondo ng opisinang dapat ay minamahal niya?”

Ang kanila din umanong chairman ay hindi gumawa ng aksiyon ukol sa isang reklamo ng isang empleyado laban sa dating Financial Planning Specialist ng PLAWD bilang Head of Procuring Entity o HOPE.

Ayon sa notaryadong reklamo ng isang empleyado, ang inireklamo ay sangkot diumano sa iregularidad at korapsiyon sa Bids and Awards Committee nang PLAWD.

Na kaya pala hindi ginawan ng aksiyon ni Dela Cruz ang reklamo ay dahil sa ito ay kanyang pinsang buo ayon sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Ipagpapatuloy ko po ang paglalahad ng mga anomalyang nagaganap sa Plaridel Water District o PLAWD na kinasasangkutan ng tatlo nilang Board of Directors base sa mga dokumentong hawak ni Senyor Latigo.

Abangan na rin po natin ang magiging katugunan ni Mayor Jocell Vistan- Casaje sa isinumiteng sulat sa kanya ng PWDEA sa pamamagitan ng kanilang pangulo.

Sa susunod pong hagupit ni Senyor Latigo ay ating bubusisiin ang mga pangmamalabis sa kapangyarihan ni Dela Cruz, ang kasinungalingan ni Vice-Chairman Jacinto at ang mga personal na interes at kapakinabangan ni Director San Luis. Abangan!

Bukas po ang pitak na ito para sa inyong mga reaksiyon, suhestiyon o sumbong.

SHARE
Previous articlePresyo ng gasolina at krudo, parang isang batang makulit!
Next articleMga patok at masarap na pagkain ng bansang Japan
Hard-hitting broadcaster/columnist Archie Lorenzo Jimenez, of Plaridel, Bulacan was a Masscom graduate major in Broadcasting at Centro Escolar University. He worked in several radio stations as broadcaster, DZME1530, DWAN 1206, DZXQ 1350, DWGV 792, DZRM 1242 and DWDD AFP. A former Editor-in-Chief of Bulacan newspaper namely TUDLA, and had a brief stint as columnist of CMT UPDATES and Bulacan Catcher. He is now RONDA Balita’s whipping columnist.

3 COMMENTS

  1. Ang lulupet naman ng BOD ng PLAWD, sila pinabababa sa pwesto, tinanggal nila ang General Manager na si Anne Tonette Cruz, para maituloy ang utos ng nakakataas na maging Public-Private Partnership (PPP) sa Manila Water. Tulungan mo naman ang mga kababayan natin Senyor Latigo Archie Jimenez.

  2. Dapat jan kina Oni, Milo at Nancy patalsikin mga mayayabang, hambog kala mo kung mga sino porket may Kapit sa Mayor lalakas ng mga loob! may karma din yang ginagawa nyo! Diyos na bahala sa parusa nyo kundi man kayo makatikim dito sa mundo, sa impyerno kau babagsak!

  3. Kung ganun alam ng mayor ng Plaridel ang ginawa ng board ng plawd sa general manager ng plawd. Magpinsang buo sila, bakit kaya hinayaan tanggalin ang gm ng plawd??? May something jan senior latigo!!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here