Home National News 3 gun-for-hire members, todas sa engkwentro sa Batangas

3 gun-for-hire members, todas sa engkwentro sa Batangas

337
0
SHARE

TAYSAN, Batangas — Nasawi sa isang engkwentro ang 3 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga operatiba ng Batangas Provincial Intelligence Branch (PIB-PDEU) at Taysan Municipal Police Station sa Brgy. Bilogo sa nabanggit na bayan nung Biyernes ng umaga (Nov. 23).

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Solomon Panal, Virgilio Hernandez at Efren Cruzada.

Base sa report ng Taysan PNP, pinara ng mga otoridad ang isang Toyota Hi-Ace Van may plaka na RDJ 679 na sinasakyan ng tatlong mga suspek sa isinagawang check point sa lugar subalit imbes na huminto ay pinatakbo ng matulin ng mga suspek ang kanilang sasakyan at duon nagkahabulan.

Nauna na umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya napilitan gumanti ang mga otoridad na nagresulta ng agarang pagkamatay ng mga suspek.

Narekober sa lugar ng insidente ang 2 caliber .45 na baril at isan cal. 9mm pistol.

Ayon pa sa report ay isang buwan na umanong isinailalim sa surveilance investigation ang mga suspek sa tulong ng mga impormante at napag alaman na involved sa mga serye ng patayan, robbery at nag-o-operate sa lugar ng Batangas, Pampanga, Bulacan, gayun din sa Metro Manila ang mga suspek.

Ginagamit din umano ng mga drug lords ang mga nbapatay na suspek bilang mga gun-for-hire para sa mga tulak na nabibigong mag remit ng perang kinita sa iligal na droga.

Inupahan din umano ang grupo para sa bigong pagpaslang sa hindi na pinangalanan na negosyante sa bayan ng Taysan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here