3 magkakapitbahay nalunod sa ilog, patay!

0
104

CAMP ELPIDIO QUIRINO, Ilocos Sur- Dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, Ilocos Sur ang tatlong katao, dalawa dito ang menor de edad, matapos na malunod sa ilog nung hapon ng Miyerkules (July 3).

Kinlala ng Narvacan-PNP ang mga biktima na sina: Muhammad Aladdin Doro, 6 anyos; Ibrahim Abdulmajud, 6 anyos; at ang tita ni Ibrahim na si Samiah Camba, 25 anyos. Ang tatlong biktima ay pawang nakatira sa Brgy. San Antonio ng naturang bayan.

Nabatid na ang tatlo ay nagpunta sa may ilog sa kanilang lugar para manguha ng mga shell.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na nalibang sa pangunguha ng shell ang tatlo hanggang sa mapunta sa malalim na bahagi ng ilog ang dalawang bata nang hindi namamalayan ni Samiah at diyan na nagsimulang malunod ang dalawa.

Nang makita ang nagyayari sa kanyang kasama, posible umano na tinangkang iligtas ni Samiah ang dalawa kahit hindi ito marunong lumangoy kaya kasama siya sa mga nalunod.

Ang bangkay ng tatlong magkakapitbahay ay pinaglalamayan ngayon sa kani-kanilang mga bahay sa Narvacan, Ilocos Sur. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here