3 nagbebenta ng karne ng aso, arestado sa Obando

0
167
Ang tatlong lalake na inaresto ng CIDG Bulacan na nagbebenta ng karne ng aso sa Brgy. Paliwas, Obando, Bulacan.

OBANDO, Bulacan — Kinalawit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan ang tatlong kalalakihan na nagbebenta na karne ng aso sa Brgy. Paliwas sa nasabing bayan kamakailan.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. April Mark Young, Bulacan CIDG provincial officer, kinilala ang tatlong suspek na sina Ramon Adino, 62 anyos, Ramoncito Adino, 33, at Danny Cruz, 18, pawang mga residente ng Purok 2, Brgy. San Rafael ng naturang bayan.

Ayon kay M/Sgt. Jayson dela Cruz, lider ng CIDG na sumalakay sa lugar, may reklamo umanong natanggap ang kanilang opisina mula sa Animal Kingdom Foundation (AKF) hinggil sa isang katayan ng aso.

Dagdag pa ni Dela Cruz, nakakuha sila ng impormasyon sa kanilang asset na may ibinababang mga karne ng aso sa isang banka sa fishport ng Paliwas.

Agad na sinalakay ng mga operatiba ng CIDG ang lugar at tumambad sa kanila ang mga karne na aabot sa 130 kilos.

Inaresto ang tatlong suspek at nabatid na na ibinebenta ang karne ng aso sa halagang P150 kada kilo sa karinderya sa Malabon, Navotas at Quiapo.

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa CIDG detention cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. (RONDA Balita Online News)

Previous articleP3.7M Shared-Service Facilities, provided by DTI to 8 Cooperatives
Next articleRains boost water level in Angat, Bustos dams in Bulacan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here