Home National News 3 pekeng PDEA agents, ‘laglag’ sa buy-bust sa Camarines Sur

3 pekeng PDEA agents, ‘laglag’ sa buy-bust sa Camarines Sur

136
0
SHARE

CAMARINES SUR — Nalaglag sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur Provincial Office, Naga City Provincial Drug Enforcement Unit (NCPDU), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), NBI Naga at 97th MICO 9IB-9ID ang tatlong suspek na nagpakilalang mga ahente ng PDEA sa isinagawang drug buy bust operation nitong Huwebes ng gabi (Nov. 15) sa J. Jordana St., Brgy. San Francisco, Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Anthony Brian Pereira, Celso Sevilla Jr., at Joselito Ledesma, mga nasa hustong gulang.

Ayon sa report na ipinadala ni PDEA Special Agent Vidal Bacolod kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasakote ang mga suspek ng kumagat sa pain na transaksyon matapos bentahan ng iligal na droga ang poseur buyer na undercover agent.

Narekober sa mga suspek ang 5 piraso ng self sealing plastic sachet na may lamang ng mga hinihinalang shabu at may bigat na 50 grams na worth P400,000 ang market value, 1 white envelope na may laman na 1 piraso ng P1,000 kasama ang bundle ng boodle marked money, 1 Unit ng Yamaha Mio 125 na kulay asul, at Nokia Cellphone na kulay itim.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa PDEA Camarines Sur Provincial Office at sasampahan ng kasong paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165 at Usurpation of Authority. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleEmpleyado ng Quezon City Hall, timbog sa shabu
Next articlePulis todas sa kabaro dahil sa selos sa loob ng Camp Bagong Diwa
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here