Home National News 3 special investigator ng BIR, timbog sa entrapment ng NBI

3 special investigator ng BIR, timbog sa entrapment ng NBI

543
0
SHARE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION — Sa patuloy na kampanya at paglaban sa korapsyon ng National Bureau of Investigation (NBI), nalaglag sa ipinain na entrapment operation ng mga operatiba ng Special Task Force (NBI-STF) sa pakikipagtulungan ng ahensya ng Presidential Anti Crime and Corruption (PACC) sa pangunguna ni Commisioner Greco Belgica, ang tatlong kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos kikilan ng mga ito ang isang Chinese restaurant.

Video of the entrapment operation conducted by the NBI-Special Task Force (NBI-STF) on June 21, 2018 in Greenhills San Juan which led to the arrest of 3 Special Investigators of the BIR-Regional Investigation Division.

Posted by Nicanor Velez Suarez on Monday, June 25, 2018

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Arturo D. Buniol, Gary V. Atanacio at Edgardo Y. Javier, mga pawang Special Investigator ng BIR-Regional Intelligence Division (BIR-RID).

Ayon kay NBI Director Dante Gieran, ang pagkakaaresto sa 3 suspek nu’ng June 21, 2018 sa Green hills, San Juan City ay dahil sa impormasyon na nagmula kay Belgica tungkol sa hinihingi na P1,200.000 ng tatlong suspek sa may ari ng Chinese restaurant na kanilang isinurveillance para umano sa bayad sa tax liability ng naturang restaurant na nag-o-operate pa lamang ng isang taon.

Muling kinausap ng 3 suspek ang empleyado ng restaurant na kailangan nilang magbayad ng P600,000 para sa sa kukuhanin na accountant at pag-asikaso sa kanilang utang sa buwis o tax liability.

Subalit imbes na magbigay ng hinihinging halaga ay agad nagsumbong sa opisina ni Belgica ang may-ari ng naturang restaurant at nagpanggap si Belgica na isang babaeng accountant sa pangalang Kath Legaspi at kinausap ang mga suspek.

Sa naging pag-uusap sa text messages para sa hinihingi ng tatlo na P600,000 ay nagkasundo ang dalwang panig sa P75,000 para sa papel at P525,000 ang para sa “For the Boys”.

Agad nakipagkita ang 3 sa Gloria Maris Restaurant sa nagpakilalang si Kath Legaspi at nang maiabot ang bag na may pera sa tatlong suspek ay duon na sila nilapitan at inaresto ng mga NBI agent kasong paglabag sa RA 3019 kilala sa tawag na Anti- Graft and Corrupt Practices at RA 6713 O Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and Article 210 (Bribery) of the Revised Penal Code. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleLalake nag-amok, namaril ng pulis sa Batangas
Next article‘Tulak’ patay, pulis sugatan sa drug bust sa Parañaque
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here