3 ‘tulak’ sa San Jose Del Monte patay sa engkwentro, 2 arestado

1
7751
Ang tatlong drug suspects na napatay sa isang buy-bust operation na nauwi sa engkwentro sa Brgy. Gaya-Gaya, Lungsod ng SanJose Del Monte nu'ng Miyerkules ng madaling araw. (Mga larawan kuha ni Jose Erwin Bunag)

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Patay ang tatlong lalaki habang arestado ang dalawang kasamahan matapos mauwi sa engkwentro ang inilatag na buy bust operation sa Brgy. Gaya-Gaya sa nasabing lungsod Miyerkules ng madaling araw.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rolando Castil Jr., CSDJM chief of police kay P/Col. Emma M. Libunao, Acting Bulacan Provincial Director, kinilala ang mga nasawi ay kinilalang sina Percival Zamora alyas Bong, 44-anyos, residente ng BLock 59, Lot 5 Phase 2 6D Towerville 6; Louise Lasala, 38, ng Block 37, Lot 6, Phase 6D, Towerville 6,; at isang alyas Bayaw habang ang mga naaresto ay sina Jeffrey Lasala, 33, residente ng Block 39, Lot 6, Phase 2 6D, Towerville 6 at Menchie Arquisola, 42, taga-Block 39, Lot 6, Phase 2 6D, Towerville, pawang sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang nasabing engkwentro bandang alas-12:30 ng madaling araw sa Brgy. Gaya-Gaya nang magsagawa ng buy-bust operation ang anti-illegal drugs operatives laban sa suspek na si Zamora.

Ayon kay Castil naunang nagpaputok ng baril si Zamora at ang dalawang kasama nito makaraang maghinala na pulis ang kanilang ka-transaksyon sa iligal droga.

Mabilis na gumanti ng putok ng baril ang mga operatiba na nagresulta ng agarang pagkamatay ng tatlong suspek habang naaresto ang dalawang kasama at nakatakas ang isang Alexander Masanay alyas Butog.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang caliber 9mm pistol, caliber 38 revolver at isang improvised gun o pengun, 4 na piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na may lamang shabu at nagkakahalaga ng humigi’t kumulang P100,000, mga bala ng baril at buy-bust money.

Dinala ang katawan ng tatlong napatay sa Faith Funeral habang ang mga naarestong suspek at ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Bulacan Crime Laboratory para sa angkop na pagsusuri.

Nakatakda namang kasuhan ang mga naaresto ng ng paglabag sa Sections 5 and 11 of Article II of R ‘A 9165 (Dangerous Drugs Acts of 2002). (RONDA Balita Online)

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here