3 ‘tulak’ utas sa drug buy-bust sa Bulacan

0
271

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Tatlong pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug buy-bust sa bayan ng Baliwag at siyudad ng San Jose del Monte Lunes ng madaling araw (Feb. 17).

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Acting Bulacan Police Director ang tatlong napatay na sina Marlon Alvarez; Jim Joshua Cordero at Erwin Mergal.

Si Alvarez ay napatay sa isinagawang drug buy-bust sa Brgy. Tibag, Baliwag, Bulacan dakong alas 3:00 ng madaling araw matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Narekober sa suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver at buy-bust money.

Napatay naman si Cordero at Mergal sa Brgy. Gaya-Gaya San Jose del Monte City, Bulacan dakong alas 12:20 ng madaling araw sa isinagawang drug buy-bust sa nasabing Barangay.

Nabawi sa mga ito ang 20 plastic sachet ng shabu, isang cal.38 revolver, isang shotgun at buy-bust money. Ang mga napatay na suspek ay pawang nasa listahan ng PNP/PDEA Drug watchlist. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here