Home Ok Ka Lang 3 Yen ang itataas sa tax ng bawat yosi sa Japan

3 Yen ang itataas sa tax ng bawat yosi sa Japan

312
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

NAKATAKDANG magtaas ng buwis o tax na hanggang 3 yen bawat sigarilyo sa bansang Japan sa hinaharap matapos na mapagkaisahn ito ng ilang namumuno ng bansang ito.

Nabuo ang panukalang ito ng mga opisyal matapos ang ilang talakayan na may kinalaman sa reporma ng sistema ng buwis para sa taong 2018.

Sa pagpapataas ng singil ng buwis sa sigarilyo ay hangad ng mga opisyal na mapagtakpan ang inaasahang pagbaba ng kita sa isang itinakdang programa!

Mula noong October 2010 hanggang sa kasalukuyan ang buwis sa tabako ay nakataas sa 3.5 yen kada sigarilyo.

Na naging dahilan para makakolekta ang pamahalaang Japan ng 12.2 yen bawat buwis!

Inaasahang sa darating na buwan ng Abril 2018 ay ipapatupad na ang dagdag singil sa buwis ng tabako na nagkakahalaga ng 3 yen bawat sigarilyo.

Talagang kahit sa pagkolekta sa buwis ng sigarilyo ay ayaw patalo ng Japan sa Pilipinas.

Sa Pilipinas naman ay pinaboran ng may 176 na mambabatas ang House Bill 4144 o sa mas kilalang katawagang Sin Tax Refdorm Act.

Inaasahang kikita at makakakolekta ang gobyerno ng Pilipinas ng P14 na bilyon sa pagkakapataw ng mataas na dagdag buwis!

Kung sa kasalukuyan ay  medyo umaaray na ang mga Smokers dahil sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo sa merkado, lalo pa nilang mararamdaman sa susunod na taon kapag tuluyan ng maisabatas ang Sin Tax!

Sa bansang Japan ang presyo ng ipinagbibili nilang sigarilyo ay unipormado o iisang presyo lang.

Kahit saang tindahan, supermarket o mall ay hindi nababago ang presyo ng sigarilyo.

Samantalang sa Pilipinas ang presyo ng sigarilyo ay hindi pare-pareho.

Gayong iisa lang naman ang brand o klase ng sigarilyo ang binibili mo.

Iba ang presyo ng mga sigarilyo sa palengke, sa mga tindahan, convenience stores, supermarkets at Malls.

Yan ang malaking pagkakaiba ng mga ipinatutupad na batas ng bansang Japan sa bansang Pilipinas sa presyuhan ng sigarilyo.

Mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Japan ang magbenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.

Maging sa mga VENDO Machines ay hindi rin nakakabili ang mga menor de edad dahil sa kailangan pang ipasok ang isang card na nagpapatunay na ikaw ay hindi menor de edad.

Samantalang sa Pilipinas walang pakialam ang mga nagtitinda ng sigarilyo o alak kahit ang bumibili sa kanila ay menor de edad pa.

Ang mahalaga kasi sa mga nagtitinda ay yong may bumibili at nagbabayad!

SHARE
Previous articleEkonomiya ng Pilipinas sasagipin ng limang katao?
Next articleMalolos and Pulilan mayors confirm 2 community fireworks display areas
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here