Home National News 3,000 bagong PUVs, papasada na!

3,000 bagong PUVs, papasada na!

262
0
SHARE

MAHIGIT 3,000 na modernong mga jeep ang inaasahang papasada na sa mga lansangan sa susunod na tatlong buwan.

Ito ang tiniyak ng ilang grupo ng mga transportasyon sa bansa bilang
suporta ng mga ito sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization
Program ng gobyerno.

Nangako ang mga transport group na maglalabas na sila ng mga bagong
pampasaherong jeep makaraan ang naganap na lagdaan ng memorandum of agreements (MOA) ng mga ito at ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Office (LTO) main building sa Quezon City.

Nakasaad sa nasabing MOA signing na nangako ang isang private transport supplier na makapagde-deliver ito ng 20,000 bagong PUVs sa bawat taon habang isa pang supplier ang tutulong sa mga operators para sa proseso ng financing requirements.

Kaya, unti-unti nang magkakaroon ng bagong mga pampasaherong jeep sa kalsada sa susunod na tatlo hanggang anim na buwan, ayon kay DOTr
Undersecretary (Usec) for Road Transport Thomas Orbos.

Tutulungan ng pamahalaan upang makahanap ng panggastos para mapalitan ang mga luma na nilang jeep, ayon sa pagtiyak ng DOTr.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here