33 empleyado ng munisipyo ng San Ildefonso, nagpositibo sa Covid-19

0
182

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Umabot sa 33 na empleyado ng munisipyo sa bayan ng San Ildefonso ang nagpostibo sa COVID-19 matapos isailalim sa Covid-19 Antigen Test ang lahat ng kawani ng nasabing Bahay Pamahalaan.

Una rito, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa Covid-19 sa lalawigan ng Bulacan at upang masiguro na ligtas at maayos na makakapagbigay serbisyo ang mga kawani ng munisipyo, minabuti ni Mayor Carla Galvez-Tan na isailalim ang lahat ng kawani sa isang Covid-19 Antigen Test.

Ipinagutos din ng alkalde na upang hindi magkasabay-sabay ay ginawan ng schedule ang kada opisina kung anong oras sila isasailam sa Antigen. Ito ay isinagawa sa pamumuno ng ating Municipal Health officer na si Dr. Jeanette Dela Cruz noong Marso 29, 2021.

Matapos ang isinagawang Antigen test ay 33 empleyado ng munisipyo ang lumabas na positibo ang resulta kung kaya naman agad silang isinailalim sa RTPCR Swab Test upang masiguro ngunit positibo pa din ang mga naging resulta ng lahat kaya agaran silang pinayuhang mag-self isolate.

Mabilis namang nagsawa ng contact tracing upang malaman ang kanilang mga nakasalamuha. Agad ding nagsawa ng disinfection sa Bahay Pamahalaan ng San Ildefonso kung kaya naman pansamantalang sinuspinde o kinansela ang pasok ng lahat ng opisina maliban sa Municipal health office at DRRMO ng mga sumunod na araw.

Ayon pa sa alkalde, muli po, pinapaalalahanan ang lahat na ibayong pag-iingat ang kailangan sapagkat hindi po nawawala ang banta ng Covid-19.

Bagamat kasalukuyang may sakit at nagpapagaling si Mayor Carla ay hindi ito naging hadlang upang siguruhin niya na maayos ang magiging daloy ng pagte-test sa mga empleyado.

Hinihiling din nito ang kooperasyon at pang-unawa ng bawat isa at sama-samang manalangin na malampasan ang kinakaharap na pandemya.

Source: San Ildefonso FB account

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here