Bagong Provincial Administrator, katuwang ni Gov. Fernando

0
128
TAKLESA, an opinion column by Roseth Reyes

MAY  bagong Provincial Administrator ang lalawigan ng Bulacan sa katauhan ni Antonette Vasquez Constantino na magiging katuwang ni Gob. Daniel R. Fernando sa implementasyon ng development agenda ng lalawigan na naglalayong mapalawak ang oportunidad para sa mamamayang Bulakenyo.

Lehitimong tubo sa bayan ng Hagonoy na pinagmulan rin ng kanyang hinalinhan na si dating P.A. Eugenio Payongayong.

Si Gng. Constantino ay may mahigit isang dekada ng malawak na karanasan  bilang isang local governance consultant, communication strategist, PR practitioner at political adviser. Siya ay naglingkod sa iba’t ibang lider sa pampubliko at pribadong sektor, sa loob at labas ng bansa.

Si PA Antonette ay nagtapos sa University of the Philippines, Diliman sa kursong Bachelor of Arts in Communication, Major in Journalism. Nagkaroon din siya ng pagsasanay sa International Marketing mula sa Asian Institute of Management.

Ang kanyang kaalaman ay lubhang angkop sa yugtong ito ng kasaysayan ng Bulacan bilang isang “globalizing province”. Kaya asahan na natin ang mas lalong pagyabong ng kaunlaran sa Bulacan dahil sa talino at galing ni PA Antonette.

Ang bagong Provincial Administrator ay nagsilbing political adviser sa ilan politiko, kabilang sina Mayor Raulito ‘Amboy’ Manlapaz at dating Hagonoy Mayor Felix “Toti” Ople.

Kaya meron tinatawag na “The People’s Governor” at “The People’s Mayor”  na bansag kina Gob. Fernando at Hagonoy Mayor Manlapaz ay nagmula ito sa utak at ideya ni P.A.Constantino.

Mula sa pahayagang RONDA BALITA, congratulations Mam Antonette, samahan ka nawa ng Dakilang Diyos at basbasan ang iyong mabuting hangarin para sa ating mga kalalawigan!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA BALITA, ang Lingguhang Pahayagan ng Masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here